Project Archangel pinuri ng solons
Pinuri ng mga mambabatas ang Project Archangel ng Philippine National Police na tumutulong sa mga kapuspalad na mamamayan.
“Isa yang makabuluhang proyekto na aming sinusuportahan,” sabi ni Senador Francis Pangilinan sa kanyang text message.
Nagpahayag din si Manila Congressman Bienvenido Abante ng suporta sa naturang proyektong ipinapatupad ng PNP Badge of Honor Foundation.
Sinabi ni Abante na tama ang naturang pagkilos ng PNP kasabay ng pagpapanukala na dapat ding tutukan ang mga katiwalian para lalong maging malinis ang kapulisan.
“Kakaibang idea yan para mabago ang imahen ng pulis. Tulungan ang mga nangangailangan sa halip na magpakita ng pagiging macho, matigas, at babaero. Saludo ako kay PNP Chief Director General Jesus Verzosa at sa iba pang mga enforcer,” sabi naman ni House transportation committee Chairman at Rep. Monico Puentevella.
Nais ni Verzosa na matulungan ng foundation ang mga pulis na nangangailangan at mahihirap na bata. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending