^

Metro

Kinaibigan muna

-

Kinaibigan bago pi­nag­­nakawan ng isang Koreano ang bagong da­ting na Hapones ka­ ma­­ka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Galit na galit nang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Hirotaka Suzuki, 20, pansamantalang nanu­nu­lu­yan sa Room 606, Shogun Hotel na nasa 9848 Taft Avenue ng na­banggit na lungsod.

Ang suspek naman na nagpakilala lamang sa pangalang Mr. Kim, nasa 30-anyos, may taas na 5’4’’, balingkinitan ang pa­­ngangatawan, naka­suot ng puting bull cap, asul na polo, pan­talong maong, gomang sapatos at may hikaw sa kaliwang tenga ay naglahong pa­rang bula matapos pag­na­kawan ang biktima.

Ayon sa salaysay ng biktima, nitong Disyem­bre 26 ay dumating siya sa Ninoy Aquino Inter­national Airport lulan ng Philippine Airlines Flight (PR-437).

Dala-dala niya ang kanyang mga bagahe nang kaibiganin umano siya ni Kim at tinulungan siya ng huli na makasa­kay ng taxi at inihatid siya sa Shogun Hotel.

Sa counter ng hotel, binayaran pa umano ng suspek ang kinuhang silid ng biktima kung saan tinulungan pa muli siya nitong dalhin sa kuwarto ang lahat ng kanyang dala-dalahan.

Makalipas ang ilang oras, bandang alas-9:05 ng gabi, niyaya umano ng suspek ang biktima na ma­masyal sa SM Mall of Asia saka inutangan siya nito ng $500 para ibili ng da­lawang kahon ng alahas.

Sa paglilibot, biglang nawala ang Koreano at nang makabalik siya sa hotel, laking-gulat niya dahil nagkalat na ang kan­yang kagamitan at nawawala na sa bagahe ang kanyang 60,000 yen, digital camera, driver’s license, ATM at credit card, salapi at personal na kagamitan na uma­abot sa kabuuang $1,200. (Rose Tamayo-Tesoro)

HIROTAKA SUZUKI

KOREANO

MALL OF ASIA

MR. KIM

NINOY AQUINO INTER

PASAY CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SHOGUN HOTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with