^

Metro

Boga ng parak selyado

-

Ilang araw bago ipagdiwang ang bagong taon ay nagsagawa na ang Eastern Police District ng pagselyo ng mga nguso ng baril sa kanilang kapulisan upang masiguro na hindi magpapaputok ang mga ito nang walang katuturan na maaring ikabibiktima ng mga inosenteng tao.

Kahapon ng umaga ay isinagawa ang “sealing of gun nuzzles” ng may 400 pulis sa EPD Head­quarters sa Caruncho, Pasig City na pinangunahan ni EPD Director C/Supt. Lino Calingasan.

Ayon kay Calingasan, bagamat nauna ng sinabi ni National Capital Region Police Office Director C/Supt. Leopoldo Bataoil na hindi na kailangan na selyuhan ang mga baril ng pulis ay mas pinili ng una ang nakagawian ng paglalagay ng tape sa mga nguso ng baril upang maging tiwala ang mga tao sa kapulisan. Ipinaliwanag pa ni Calingasan na maipuputok lamang ng mga pulis ang kanilang mga baril sa mga oras at panahon na tinatawag sila ng kanilang tungkulin o sa “legitimate and actual operations.” (Edwin Balasa)

AYON

CALINGASAN

DIRECTOR C

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

LEOPOLDO BATAOIL

LINO CALINGASAN

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with