Apat katao ang nasugatan nang madaganan ng gumuhong pader habang ang mga ito ay naglalaro ng mahjong sa Valenzuela City kamakalawa.
Ginagamot sa Orthopedic Hospital sanhi ng mga bali ng mga buto at sugat sa katawan ang mga biktimang sina Carlito Marcos, 45; asawa nitong si Rosita, 47; Juan Manocan, 73, at Perfecto de Leon.
Batay sa ulat ng awtoridad, alas-3:45 ng hapon, naglalaro ng mahjong ang mga biktima sa De Galicia St., nang bumagsak ang pa der ng warehouse ni Froilan Alarcon.
Nadaganan ang mga biktima na naging dahilan upang dalhin sa nasabing ospital ang mga ito.
Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)