Trader inambus bago ninakawan
Binaril hanggang sa mapatay saka kinuha ang pera ng isang negosyante ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang una ay papasok sa kanilang bakuran sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa leeg at katawan si Antonio Ane, 46, ng Doña Mariana Subdivision, Sitio Sulok, Ugong ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 ng gabi, papasok sa kanilang bakuran ang biktima nang salubungin ng mga suspek at pagbabarilin. Nang bumulagta ang biktima ay kinuha ng mga suspek ang P50,000 cash sa wallet nito bago tumakas.
Inaalam na ng mga pulis kung pera ang talagang pakay ng mga suspek o may iba pang dahilan ang mga ito. Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulisya laban sa mga suspek. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending