^

Metro

Singaporean tinodas habang natutulog

-

Isang 52-anyos na Singaporean ang pinatay ng dalawang hindi nakilalang mga suspect habang natutulog ang una sa loob ng kanyang kuwarto sa Malate, Maynila kahapon ng ma­daling-araw. Dead-on-the-spot ang biktimang si Sam Nathan, alyas “Bath Nathan”, negosyante, ng   Remedios St., Malate, Maynila sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan. Inilarawan ang isa sa suspect na nasa gulang na 45-47, may taas na 5’6’’ – 5’7’’, maitim, nakasuot ng bull cap.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:40 ng ma­daling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima. Sinabi umano ni Nocimedus Sullano, 53, security guard sa bahay ng biktima, kahit naka-duty siya ay wala siyang nagawa nang pasukin sila ng mga suspect sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod dahil tinutukan agad siya ng patalim. Itinali ang kanyang dalawang kamay sa upuan at binalot umano ng tuwalya ang kanyang mukha bago tinangay ang duplicate key na siyang ginamit nila pagpasok sa bahay ng biktima.

Ayon kay Joan Sunga, 25, live –in partner ng biktima, natutulog sila ng biktima nang may duma­gan sa kanyang tiyan na inakalang ang biktima subalit hindi pa siya nakakatayo ay tinakpan umano siya ng unan sa mukha.

Kasunod naman nito ay naramdaman niyang pumapalag ang biktima, habang niyuyugyog ang kama. Nang umalis na ang mga suspect at buk­san niya ang ilaw ay nakita niyang duguan ang biktima.

Palaisipan pa rin sa pulisya ang motibo sa krimen at kung may sabwatan sa mga kakilala nito.  (Ludy Bermudo)

AYON

BATH NATHAN

BIKTIMA

JOAN SUNGA

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NOCIMEDUS SULLANO

REMEDIOS ST.

SAM NATHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with