^

Metro

Lagim sa Christmas party: Ex- police dedo, 6 sugatan

-

Nauwi sa trahedya ang masayang Christmas party ng mga retiradong pulis makaraang isa ang masawi habang anim na iba pa ang nasugatan  nang aksidenteng araruhin ng sasakyan ng isang retiradong opisyal sa Cebu City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Chong Hua Hospital sa Cebu City  ang biktimang si SPO3 Florentino Lapinid.

Patuloy namang ginagamot sina ret. SPO4 Ernesto Pacana, ret. SPO4 Aristo De Gracia; ret. Col Edmund Benond, ret. Pat. Con­cordio Cas­tanares, ret SPO4 Teddy Ariza at si ret. SPO4 Rodulfo Biduya.

Hinihingan naman ng paliwanag ng mga awtoridad ang suspek na si  ret. P/Supt. Benjamin Miaga, 66. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:15 ng gabi sa parking lot  ng Camp Sergio Osmena Sr.  sa Cebu City.

Kasalukuyang minamaneho ni Miaga ang Mitsubishi Pajero (GTU-569) nang aksidente niyang mabangga ang mga biktima. Pauwi na sana ang mga biktima mula sa Christmas Party ng mga retiradong pulis  nang maganap ang insidente.

Bukod sa pagkakahagip sa mga biktima, bi­ nangga din ni Miaga ang mga nakahimpil na sa­sakyan sa nasabing police camp kabilang ang  KIA Picanto (YAT-700) ni  Feliciano Arriola at ang Toyota Sedan (TEV-952) ni Florencio Diaz. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARISTO DE GRACIA

BENJAMIN MIAGA

CAMP CRAME

CAMP SERGIO OSMENA SR.

CEBU CITY

CHONG HUA HOSPITAL

CHRISTMAS PARTY

COL EDMUND BENOND

ERNESTO PACANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with