^

Metro

NCRPO nagbabala sa indiscrimante firing

-

Bukod sa kanilang mga tauhan, muling nag­­palabas ng babala ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa lahat ng mi­yembro ng military, civilian volunteers, security guards, at mga sibilyang may-ari ng baril laban sa indiscri­ minate firing‚ ngayong selebrasyon ng Pasko.

Binalaan ni NCRPO chief, Director Leo­poldo Bataoil ang mga ito na agad na aares­tuhin at sasampahan ng kaso sa oras na ma­huli ng kanyang mga tauhan. Ipinag-utos ni Bataoil sa kanyang mga pulis na bukod sa hindi pagpa­pa­putok ng sarili nilang baril upang makisabay sa seleb­rasyon, ibinilin nito ang pagbabantay sa mga lugar na may kasay­sayan ng mga tina­maan ng ligaw na bala at agad na arestu­hin ang mga lalabag sa ka­utusan.

“Mahigpit nating pinagbabawal ito. Ang mga tauhan natin, mga kapatid sa military, mga CAFGU, mga security guards at firearms hol­der na civilian”, ayon kay Bataoil.

Ipinauubaya naman ng NCRPO ang pagse­selyo ng baril ng kani­lang mga pulis sa mga district directors sa ka­bila na nagpahayag na ang Quezon City Police District (QCPD) na hindi ito gagawin ngayong taon. (Danilo Garcia)

BATAOIL

BINALAAN

BUKOD

DANILO GARCIA

DIRECTOR LEO

IPINAG

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with