^

Metro

Seguridad sa Metro Manila lalong hinigpitan

-

Mas pinaigting pa simula kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa Kalak­hang Maynila bilang preparas­yon sa anu­mang posib­leng pana­na­botahe ng masasa­mang elemento nga­yong Kapaskuhan.

Ayon kay NCRPO Chief Dir. Leopoldo Ba­taoil, bukod sa libu-libong kapulisan na ikinalat sa iba’t ibang mataong lugar sa mga lungsod ng Metro Manila ay nagdagdag pa kahapon ang kanyang tanggapan ng mahigit sa 100 tauhan sa mga is­tasyon ng LRT, MRT pati sa mga bus terminal at iba pang mata­taong lugar.

Kaugnay nito, pina­yuhan naman ni Bataoil ang mga taga-pamahala ng LRT at MRT na mag-concentrate na lamang sa mga taong may ka­hina-hinala ang mga iki­nikilos sa isasagawang inspeksiyon ng mga ito sa mga mananakay upang hindi na humaba pa ang pila at masya­dong ma­abala ang ibang pasahero.

Nabatid pa kay Bataoil na nagpakalat na rin ang NCRPO sa northern at southern part ng Metro Manila ng anim na K9 units ka­sama ang ka­nilang mga ‘handlers’ na pawang nagsanay pa sa Virginia, USA.

Maging ang mga security agencies rin umano ng iba’t ibang malls ay pa­tuloy ang pakikipag-ug­nayan sa kapulisan sa se­guridad ng mga mall shop­pers. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BATAOIL

CHIEF DIR

KALAK

LEOPOLDO BA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with