^

Metro

Canadian style shabu lab kalat sa MM

-

Mahigpit na bina­ban­tayan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga subdi­bisyon sa Metro Manila dahil sa intelligence report na laganap ngayon ang *Canadian style* na shabu laboratory.

Sinabi ni PDEA Director General Dionisio San­tiago Jr. na iba na ngayon ang estilo ng mga sin­dikato ng droga sa produksyon kung saan gina­gamit na ang mga bahay-bahay bilang laboratoryo sa halip na umarkila ng malalaking mga bodega.

Inamin ni Santiago na medyo mas hirap lan­sagin ngayon ang mga bagong uri ng mas maliliit na shabu laboratory dahil sa mas mabilisan ang operasyon ng mga ito at palipat-lipat ng lugar.

Aminado si Santiago na hindi titigil ang mga internas­yunal na sindikato sa paggawa ng shabu sa Pilipinas dahil sa hindi lamang ito ibinibenta ng lokal ngunit maging sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Patuloy naman ang PDEA sa pagpapalabas ng reward money para sa mga makakapagturo sa natu­rang mga laboratoryo. Ka­hapon, umaabot sa P4.6 milyon ang ipinama­hagi ng ahensya sa limang informant‚ na nagbigay ng ma­ha­halagang impor­masyon dahilan sa pagka­kalansag ng tatlong labo­ratoryo.

Bukod dito, nakakum­piska rin ang PDEA ng 1.3 tonelada ng marijuana; 100,000 tanim na marijuana; 80,000 seedlings; 35.5 kilo ng shabu; 9.8 kilo ng ephedrine; iba’t ibang kemikals at pagka­kaaresto sa 14 na drug personalities na miyembro ng mga lokal at internasyunal na sindi­kato. (Danilo Garcia)

AMINADO

BUKOD

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INAMIN

MAHIGPIT

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with