^

Metro

Bebot dedo sa holdap

-

Isang 32 anyos na dalagang kawani ng isang klinika na si Emily Palasigue ang sinaksak at napatay ng isang holdaper nang manlaban siya dito habang pauwi siya sa kanyang bahay pagkagaling niya sa isang Christmas Party sa Villa Magdalena, Tala, Caloocan City kahapon ng madaling-araw. (Lordeth Bonilla)

Bombay inambus

Isang negosyanteng Bombay ang binaril at napatay sa harap ng kanyang tindahan sa M.H. Del Pilar St., Ermita, Manila kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima na si Santip Kumar, may-ari ng Stop and Taste Indian and Pakistan Halal Food store sa naturang lugar. Hindi pa natutukoy ang salarin na ma­­bilis na tumakas matapos ang insidente. (Ludy Bermudo)

Tanod grinipuhan

Isang 36-anyos na barangay tanod na si Ricardo de Guzman ang sinaksak at napatay umano ng carwash boy na nakilala lang sa alyas na Jojo sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng madaling-araw. Pinaghahanap ng pulisya habang sinusulat ito si Jojo na may taas na 5’2 hanggang 5’4. May kaku­wen­tuhang lalake si de Guzman sa kanto ng Oroquieta at Bam­bang Streets sa Sta. Cruz nang biglang lumitaw ang suspek at inundayan siya ng saksak. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CRUZ

DEL PILAR ST.

ERMITA

GUZMAN

ISANG

JOJO

LORDETH BONILLA

LUDY BERMUDO

SANTIP KUMAR

STOP AND TASTE INDIAN AND PAKISTAN HALAL FOOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with