2 kelot tiklo sa pillbox

Arestado ang dala­wang lalaki matapos makum­piskahan ng pill­box sa tapat ng simbahan habang isinasagawa ang Simbang Gabi sa Calo­ocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni C/Insp. Mar­celo Mariano, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Caloo­can-PNP, ang dalawang suspek na sina Jefferson Vallador, 18, ng Dagat-Dagatan, at Leo dela Cruz, 23; at residente ng Daang Bakal, kapwa sakop ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng umaga nang madakip ang dalawa sa tapat ng San Roque Church na matatagpuan sa A. Ma­bini St. ng nasabing lungsod.

Nakatayo ang dala­wang suspek na parang may inaabangan ang mga ito nang mapansin sila ng mga pulis na ka­salukuyang nagbaban­tay. (Lordeth Bonilla)

Show comments