Metro police naalerto sa Iligan bombing
Dahil sa pambobomba kamakalawa sa dala wang shopping mall sa Iligan City na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasugat ng 47 pa, inilagay sa alerto ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office kasabay ng pagpapakalat ng dagdag na pulis at K9 units sa matataong lugar sa Metro Manila.
Tinagubilinan ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa si NCRPO Chief Director Leopoldo Bataoil na magpatupad ng dobleng paghihigpit sa seguridad at pagpapalakas ng visibility patrol sa Metro Manila.
Maging ang mga patrol cars ng limang distrito ng NCRPO sa Metro Manila ay todo higpit ang pagpapatrulya upang maiwasan ang kahalintulad na scenario ng Disyembre 2000 bombing.
Nakipag-ugnayan na rin, ayon pa sa opisyal ang NCRPO sa Regional Special Action Units at in-house security ng Light Rail Transit para sa mas mahigpit na pagbabantay. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending