^

Metro

Transport strike, ikinasa bago mag-Pasko

-

Kasado na sa susunod na linggo o bago sumapit ang Pasko ang planong transport strike ng mga jeepney groups sa bansa sa pangunguna ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Na­tionwide (Piston) at Pasang Masda, gayundin ang mga kaalyado nitong grupo.

Ayon kay Piston Secretary General George San Mateo, layunin ng hakbang na mapu­wersa nila ang tatlong higan­teng kompanya ng langis ang Shell, Petron at Chevron na mag­­patupad ng isang one time big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo

Giit ng naturang mga gru­po na maibaba ng naturang mga oil companies sa P26 ang ha­laga ng kada litro ng diesel bago mag-Pasko dahil bumaba na anila sa average na 40 dollars ang kada bariles ng langis sa world market.

Napapanahon na umano para maibaba sa naturang ha­laga ang presyo ng diesel upang maging maganda naman ang Pasko ng maliliit na tsuper sa bansa. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CRUZ

GIIT

KASADO

OPERATORS NA

PASANG MASDA

PASKO

PISTON SECRETARY GENERAL GEORGE SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with