^

Metro

4 mag-uutol na 'tulak', arestado

-

Apat na magkakapatid na lalaki na pinani­niwalaang mga “tulak” ng droga ang dinakip sa isinagawang buy-bust operation kama­kalawa ng gabi sa Malabon City .

Kinilala ni Senior Inspector Arnel Dimalanta, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs ang mga suspek na si Ernesto Pechay, 42, mga kapatid na sina Elmer, 39; Benjamin, 36; at Nilo, 33, pawang mga residente ng 4th St., Tañong ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-6:30 ng gabi nang madakip ang magkakapatid sa kanilang com­pound ng nasabing lugar.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon si Dimalanta hinggil sa pagtutulak ng shabu ng magkakapatid kung saan isa sa mga pulis ang umaktong buyer. Nang makabili na ang parak na nagpanggap na buyer ay agad na sinalakay ng mga tauhan ng SAID ang bahay ng magka­kapatid.

Nagawa pang manlaban ng mga ito sa mga awtoridad na naging dahilan ng pagkahulog sa ilog ng dalawang operatiba. Gayunman, tulu­yan ding nadakip ang mag-uutol na “tulak”. Nasamsam sa mga suspect ang apat na sachet ng shabu. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

APAT

BATAY

DIMALANTA

ERNESTO PECHAY

GAYUNMAN

KINILALA

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

SENIOR INSPECTOR ARNEL DIMALANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with