^

Metro

Indian national dedo sa hired killers

-

Patay ang isang negosyanteng Indian national ma­tapos na ito ay pagbabarilin ng apat na kalalakihan na pinaniniwalaang mga hired killers habang sakay ng kan­yang motorsiklo kahapon ng umaga sa Pasig City.         

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Gur­bachan Singh Parmar, 56, negosyante matapos itong mag­tamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Naaresto naman ang tatlo sa apat na mga suspek na kinilalang sina Antonio Flores, alyas “Buboy”, Nico Rivera at Marlon Navarro, pawang mga cons­truction worker sa Lungsod ng Malabon.    

Samantala kasalukuyan pang pinaghahanap ang isa pang suspek na nakilala lamang sa alyas “Jojo”, umanoy lider ng grupo. Ayon sa ulat ni P/Supt. Ramiro Bausa, hepe ng Pasig City Police, dakong alas-9 ng umaga nang ma­ganap ang insidente sa kanto ng Pedro at Estacion Sts. Brgy. Kalawaan ng nasabing lungsod.

Nabatid na habang nakahinto ang biktima ay bigla na lang naglapitan ang mga suspek dito at malapitan itong pinagbabaril at pagkatapos ay mabilis na pu­mara ng traysikel para tumakas. Mabilis namang nagsa­gawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Pasig police na ikinadakip ng tatlo sa mga suspek. (Edwin Balasa)

ANTONIO FLORES

EDWIN BALASA

ESTACION STS

MARLON NAVARRO

NICO RIVERA

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

RAMIRO BAUSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with