^

Metro

2 sunog, 500 pamilya nawalan ng bahay

-

Mahigit 400 pamilya ang nawalan ng tahanan sa loob lamang ng halos isang oras dahil sa ma­laking sunog na naganap, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Ayon sa ulat ng Makati Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-5 nang maganap ang sunog sa Medina St., Pio del Pilar ma­lapit sa Skyway ng na­banggit na lungsod.

Nabatid na umabot ng ika-limang alarma ang naturang sunog bago ito tuluyang na-kontrol.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng BFP, napabaya­ang kandila mula sa bahay ng isang Gregorio Gon­zales ang naging dahilan ng paglaki ng apoy.

Wala namang nasawi sa insidente, subalit suga­tan naman ang isang Richard Andrade matapos matamaan ng nagliliyab na mga kahoy habang inili­likas ang kanilang mga kagamitan.

Samantala, sa Quezon City mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang isang “squatter’s area” dito kahapon.

Apat naman na resi­dente ang naiulat na na­saktan sa naturang sunog na nag-umpisa pasado alas-12:30 kahapon ng hapon sa squatter’s colony sa Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro ng naturang lungsod.

Tumagal ang sunog ng halos dalawang oras kung saan umabot ito sa ika­limang alarma. Umaabot sa 50 kabahayan ang sina­sabing natupok sa natu­rang sunog.

Ilan sa tinitignang ang­gulo ang posibleng pag­sabog ng iligal na “jumper” sa kuryente habang isa pang nakikitang sanhi ng apoy ay ang naiwang kan­dila na ginamit ng isa sa mga residente na pang­sindi sa uling na gamit pang­luto. (Rose Tesoro at Danilo Garcia)

BAHAY TORO

DANILO GARCIA

GREGORIO GON

MAKATI BUREAU OF FIRE PROTECTION

MAKATI CITY

MEDINA ST.

QUEZON CITY

RICHARD ANDRADE

ROSE TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with