^

Metro

Nene napatay ng sariling ama?

- Marvin Sy , Danilo Garcia -

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng apat na taong gulang na batang babaeng si Kathlyn Abby Lagradante na nadamay sa isang barilan sa North Fairview, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nasawi rin sa pamamaril ang bagong live-in partner ng ina ni Lagradante na si Rey Santos, 42 anyos.

Kaugnay nito, hinihinala ng pulisya na may kinalaman sa pamamaril ang sariling ama ni Lagradante na siyang unang asawa o live-in partner ng kanyang ina.

Napaulat na agad na nasawi sa pamamaril si Santos dahil sa tatlong tama ng baril sa kanyang ulo at balikat. Namatay naman habang ginagamot sa Fairview General Hospital si Lagradante na nabaril sa kanang pisngi.

Hinihinala ng pulisya na si Santos ang talagang pakay ng mga salarin at nadamay lang ang bata.

 Ayon kay Superintendent Marcelino Pedrozo Jr., hepe ng homicide investigation section ng Quezon City Police District, tinitingnan nila ang posibilidad na sangkot sa krimen ang sariling ama ni Lagradante.

“Maaaring si Santos ang talagang target ng ama pero aksidenteng nadamay ang sarili nitong anak,” sabi pa ni Pedrozo bagaman tumanggi muna siyang banggitin ang pangalan ng ama ng bata.

Pinuna ni Pedrozo na isang bala lang ang tumama sa bata samantalang maraming bala ang tumama kay Santos.

Pinaniniwalaan ng naturang pulisya na ligaw na bala ang tumama sa bata.

Sinasabi sa ulat ng pulisya na naganap ang insidente bandang alas-9:00 ng gabi ng Sabado sa Bremen Street o malapit sa bahay ng mga biktima sa North Fairview.

Nakasakay ang mga biktima sa isang motorsiklo nang biglang lumitaw ang tatlong lalakeng armado ng mga baril at nagpaputok nang malapitan.

Nang malagutan agad ng hininga si Santos, agad isinugod si Lagradante ng kanyang ina sa ospital pero hindi na rin nailigtas ang bata.

Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng .45 kalibreng baril.

Nabatid pa kay Pedrozo na matagal nang hiwalay ang ama at ina ni Lagradante at namumuhay ang bata kasama ang ina nito.

Maaari umanong nagalit ang ama ni Lagradante kay Santos makaraang magkaroon ito ng relasyon at makisama sa kanyang ina.

Sinasabi pa na merong ibang asawa si Santos.

vuukle comment

BREMEN STREET

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

KATHLYN ABBY LAGRADANTE

LAGRADANTE

NORTH FAIRVIEW

PEDROZO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REY SANTOS

SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with