Magnanakaw tiklo sa libog
Dahil umano sa libog, nadakip ang isang magnanakaw nang hipuan at magising ang dalagitang pinasok niya sa bahay nito sa Valenzuela City kahapon ng umaga.
Nakilala ang suspek na si Mark Joseph Pineda, 21-anyos, ng De Gula st., General T. de Leon ng lungsod na ito.
Sinabi ng biktimang si Maica Madla, 17, ka-lugar ng suspek, na dakong alas-2 ng madaling-araw, nagising siya habang natutulog sa kanilang boarding house sa nasabing lugar nang maramdaman niyang may humihimas sa kanyang binti at kaselanan.
Nang magmulat ng mata ang biktima ay nakita nito ang suspek na nakaluhod sa kanyang paanan at nang mapansin ni Pineda na nagising si Madla ay mabilis itong nagtatakbo palabas ng boarding house.
Ginising ng biktima ang kasamang si Aleila de Mesa, 19, kung saan nalaman na nawawala ang Nokia 2630 ng una at cash na P22,000 ng huli. Dahil dito, nagsumbong sa mga pulis ang dalawang dalagita at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek subalit hindi na nabawi ang mga nakulimbat nito. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending