^

Metro

Kelot tiklo sa hulog-barya

-

Malamang sa kulu­ngan na magpalipas ng Pasko ang isang lalaki makaraang magnakaw sa pamamagitan ng pan­dedenggoy kamaka­lawa sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Ronald Capillan, 23-anyos, binata ng Sol­diers-Saries St., Bacoor, Cavite. Binik­tima niya si Leizel Evan­ge­lista, 40-anyos, dalaga, nurse ng Sta.Mesa, Manila.

Naganap ang insi­dente dakong alas-2:45 ng hapon sa loob ng isang fast food chain sa panu­lukan ng Aurora Blvd. at Matalino St., Cubao.

Kumakain ang bik­tima at ina niyang si Leticia nang magpa­alam ang una para pu­munta sa comfort room pero iniwan niya sa ma­tanda ang kanyang shoulder bag.

Hinihintay ni Leticia ang kanyang anak nang dumaan ang suspek at pakunwaring inilaglag nito ang tatlong pirasong P20 bago inutusan ang ginang na damputin ito.

Habang dinadampot ng matanda ang pera ay dito na sinalisihan ng suspek ang shoulder bag ng biktima at saka tu­malilis.

Minalas naman ang suspek dahil nakita pala ng mga naka-istam­bay sa lugar ang pang­yayari kung kaya hinabol nila ang una dahilan para mabawi ang bag na nag­lalaman ng mahahala­gang dokumento at pe­rang nagkakahalaga ng P12,200 pati na rin ang $1,200. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AURORA BLVD

CUBAO

LEIZEL EVAN

LETICIA

MATALINO ST.

QUEZON CITY

RONALD CAPILLAN

SARIES ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with