^

Metro

Pambayad sa chit,Ex-Army nangholdap

-

Dinakip ng mga elemento ng Quezon City Police ang isang dating sundalo at kaibigan nito nang mang­holdap sa isang kalapit na beerhouse para meron silang pambayad sa ininuman nilang restoran sa Brgy. Mariano, Quezon City kahapon ng ma­daling-araw. 

Kinilala ni P/Supt. Carlito Feliciano, hepe  ng Galas Police Station 11, ang mga suspek na sina Wilson Quinones, 31, dating sundalo ng Philippine Army, at naninirahan sa Sampaloc, Manila; at kasama nitong si Joeffrey Jover, 33, ng Rosales, Pangasinan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman sa Encounter Beerhouse sina Quinones at Jover at nang magbabayad na sana para umuwi dakong alas-2:30 ng madaling-araw ay kinapos umano sila sa perang pambayad sa bill.

Dahil dito, nagpaalam si Quinones para umano kumuha ng pera sa bahay pero sa halip na umuwi ay nagawang holdapin ang isang kalapit na Japok restaurant/beerhouse at tinangay ang P1,763 kita nito mula sa kaherang si Roneca Acebucehe, 18-anyos. 

Agad namang nakarating sa kaalaman ng Galas Police Station ang insidente at sa maagap na pagres­ponde nina PO3 Jeffrey Flores at PO3 Isagani Campo ay naaresto nila ang dalawang suspek sa Encounter Beerhouse. Si Quinones na nakumpiska­han ng .45 kalibre ng baril, mga bala at P1,763 na tinangay nitong salapi at kasama nitong si Jover ay kapwa sinam­pahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Pro­secutor’s Office. (Angie dela Cruz)

CARLITO FELICIANO

ENCOUNTER BEERHOUSE

ISAGANI CAMPO

JEFFREY FLORES

JOVER

PHILIPPINE ARMY

POLICE STATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

QUEZON CITY PRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with