^

Metro

.50 rollback sa tricycle sa QC, simula Dec. 15

-

Epektibo sa Lunes (Disyembre 15), bawas 50 sen­timos na rin ang pasahe sa mga tricycle sa Quezon City  kasabay ng rollback sa pasahe sa passenger jeepney, bus at taxi. Ang rollback sa pasahe sa mga tricycle sa nabanggit na lungsod ay batay naman sa desisyon na ginawa ng QC Federation of Tricycle Operators and Drivers Asso­cia­tion bunsod na rin ng patuloy na pagbaba ng halaga ng gasolina at diesel.

Sinabi ni QC tricycle Federation   President   Dong   Pascual na alinsunod din ito sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na pederasyon sa pagitan ng city council at ni   Councilor Allan Francisco, committee chair­man ng Transportation and Communication. Bunsod nito, mula sa P7.50 minimum pasahe sa tricycle ay magi­ging P7 na lamang ang pamasahe simula sa Lunes.

Kaugnay nito, sinabi naman ng pederasyon na igigiit naman nila na maibaba ang halaga ng mga spare parts   at 2T oil na kanilang ginagamit   sa pama­ma­sada   upang maibsan ang gastusin sa araw araw na pamamasada.

Ang fare rollback ay ipatutupad matapos apruba­han ang panukala ni Francisco para sa pagpapa­tupad ng provisional   fare   rollback   sa lahat ng bumi­biyaheng    tricycle sa QC. Ang sinumang hindi susunod dito ay magbabayad ng P5,000 penalty at may kulong na 6 na buwan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BUNSOD

COUNCILOR ALLAN FRANCISCO

CRUZ

DISYEMBRE

DRIVERS ASSO

EPEKTIBO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with