Riding in tandem todas sa shootout

Dalawang holdaper na “riding in tandem”‚ na nam­biktima ng isang Indian national ang kapwa nasawi ma­karaang makipagbarilan umano sa mga tauhan ng Que­zon City Police District, kahapon ng hapon sa naturang lungsod. Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang pag­kakakilanlan ng dalawang nasawi na sakay ng isang motorsiklong Honda Wave (NB-7349). Sa inisyal na ulat na nakalap kay QCPD-Station 3 (Sangandaan) com­mander, Supt. Gerardo Ratuita, naganap ang engku­wentro dakong alas-2:12 ng hapon sa likod ng Himlayang Pilipino sa Pingkian 2, Pasong Tamo, ng naturang lung­sod. Nabatid na unang inalerto ni Ratuita ang kanilang puwersa makaraang holdapin ng dalawang suspek ang Indian national na si Sirpao Singh kahapon ng umaga. Dito nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Station 3 kung saan namataan ng mga pulis. Una umanong nagpa­putok ang dalawang hinihinalang hol­daper sa mga ta­uhan ng pulisya na gumanti naman ng putok sanhi ng kamatayan ng mga ito. Positibong kinilala ni Singh ang dalawang nasawi na siya umanong nam­biktima at tumangay ng kanyang pera. (Danilo Garcia)

Show comments