Biyahe ng LRT sa Dec. 24 at 31 paiiksiin

Mas maagang magsa­sara kesa sa karaniwang oras ang operasyon ng dala­wang linya ng Light Rail Transit (LRT) sa Dis­yembre 24 at 31 ayon sa anunsyo ng pamunuan nito kahapon.

Sa inilabas na statement ni LRTA Administrator Melquides Robles, imbes na 11:00 ng gabi ay aagahan ng tatlong oras ang operasyon ng LRT Line 1 kaya ang huling tren na bibiyahe mula Baclaran patungong Monumento at Monumento hanggang Baclaran ay alas-8 ng gabi.

Sa Line 2 naman, hu­ling biyahe ng tren ay aalis ng alas-8 ng gabi sa Santolan station hanggang Recto at alas-9 naman mula Recto patungong Santolan. Paliwanag ni Robles, sasamantalahin nila ang nasabing oras sa pagtingin ng mga tren upang mas ma­ging ligtas ang mga commuters na tuma­tangkilik sa kanila.

Paliwanag pa ni Robles na base sa kanilang re­cord, ang mga ganitong panahon ay kaunti na lang ang ma­ nanakay dahil halos lahat ng mga tao ay nasa kani-kanilang mga pamilya upang sama-samang salu­bungin ang Pasko at Ba­gong Taon. (Edwin Balasa)

Show comments