^

Metro

Dinukot na ginang, pinalaya matapos magbayad ng ransom

-

Makaraang makapag­bigay ng P150,000 ransom money pinalaya na kama­kalawa ng gabi ang negos­yanteng ginang na unang iniulat na dinukot kama­kailan ng isang ba­ bae at isang pulis-QCPD sa Pasay City.

Batay sa imbestigas­yon ni SPO1 Leo Labrador, dakong alas-7:30 kama­kalawa ng gabi nang du­mating sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Elizabeth Macatangay, 31, ng Pasay City kasama ang kanyang asawang Pakis­tani national na si Chau­dhny Kharan Aziz, 33, negosyante.

Ayon sa pahayag ng biktima, una umano siyang dinala ng isang pulis sa Masambong Police Station sa Del Monte Ave., Que­zon City. Sa pamamagitan ng cellphone, nakausap ng pulis ang kanyang mister at humihingi ng P8 milyon kapalit ng kanyang pag­laya pero nagkasundo sila sa halagang P150,000.

Sinabi pa ni Macata­ngay na walong lalaki bukod pa sa isang babae ang kasama ng pulis nang sapilitan siyang isakay ng mga ito sa isang van saka dinala sa naturang police station at doon pinigil ng dalawang araw habang isinasagawa ng mga una ang pakikipag-negosas­yon sa kanyang mister para sa kaniyang paglaya.

Magugunita na ayon sa naunang salaysay ni Aziz sa pulisya, dakong alas-7 ng gabi nitong nakaraang Sabado ay una niyang inihatid ang kanyang misis sa isang sangay ng Jollibee sa Roxas Blvd., Pasay City para makipag­kita kay Mary Jane alyas “MJ” upang kunin ang bayad sa pagkakautang ng huli. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na uma­no ang banyaga nang makitang kausap na ang sisingiling babae ng misis.

Mula noon ay hindi na nakauwi pa ang ginang hang­­gang sa isang nag­pa­ki­lalang pulis ang tu­mawag kay Aziz sa tele­pono at humihingi ito ng salapi kapalit ng kalayaan ng kanyang misis. Kama­ka­lawa ng gabi, tumungo si Aziz sa napag-kasundu­ang lugar at doon niya ini­abot ang salapi na naging dahilan upang kusang pinalaya ng mga suspect ang kanyang misis. (Rose Tamayo-Tesoro)

AZIZ

DEL MONTE AVE

ELIZABETH MACATANGAY

ISANG

KANYANG

KHARAN AZIZ

LEO LABRADOR

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with