^

Metro

7 Chinese drug suspects, nakalusot dahil sa teknikalidad

-

Dismayado ang pamu­nuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkakapalaya sa pitong Tsino na pinawa­lang-sala ng Korte Su­prema sa kasong possession of illegal drugs dahil sa pagkabigo ng pulisya na sumunod sa tamang procedures.

Sinabi ni PDEA Director General Sr. Under­secretary Dionisio San­tiago Jr. na nakapang­hihi­nayang ang naturang kaso dahil sa alam naman nila na isa talagang sindikato ng iligal na droga ang na­turang grupo at matagal ang panahon na ginugol sa korte nito na magreresulta lamang sa pagpapalaya sa mga akusado.

“Siyempre nakaka­lungkot alam naman natin na sa procedure lang na­talo. But it is a good lesson sa ating mga law enforcement people na pala­kasin at sundin ang tamang protocol para hindi masayang ang mga ope­ras­yon at mga isinasampang kaso”, ayon kay Santiago sa pa­nayam ng PSN.

Sa anim na pahinang desisyon ng 2nd Division ng Korte Suprema, pina­wa­lang-sala nito sina Cai Xihe alyas Chua Sak Hap, Tian Sang, Cai Dushi alyas Chua Tok Sit, Yan Oizhong alyas Sing Hong, Lao Chi Diak alyas Chi Jak, King Cheng at Lim Chamou alyas Cha Bon.

Sinabi ng korte na ni­ labag ng mga tauhan ng PNP-Anti Narcotics Division ang protocol noong Enero 28, 2002 sa pag-aresto sa mga Tsino na nag-ooperate umano ng shabu laboratory sa San Juan City. Itinanggi naman ito ng mga akusado at sinabing frame-up la­mang umano ang mga aku­sas­yon laban sa ka­nila. (Danilo Garcia)

ANTI NARCOTICS DIVISION

CAI DUSHI

CAI XIHE

CHA BON

CHI JAK

CHUA SAK HAP

CHUA TOK SIT

DANILO GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with