^

Metro

Umawat sa away, tinarakan

-

Dumanak ang dugo sa isang birthday party matapos saksakin at patayin ang isang binatilyo ng magpinsang lalaki na nag-gate crash dahil umawat ang biktima kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasawi sanhi ng tinamong isang malalim na tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Reynaldo Cabardo, 17, ng Bagong Silang, Caloocan City.

Arestado naman ang mga sus­ pek na kinilalang sina Prospero Palileo, 18 at ang pin­san nitong si John Mark Gregorio.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong alas-11:30   kama­kalawa ng gabi sa harap ng bahay ng biktima sa natu­rang lugar.

Nabatid, masayang nag-iinuman ang bik­tima kasama ang ilang kaibigan na nagdaraos ng kaara­wan nang big­lang dumating ang dalawang suspek at walang sabi-sabing pinaggugulpi ang isang “alyas Nonoy” na kainu­man ni Cabardo.

Mabilis namang uma­wat ang biktima kaya siya ang pinagbalingan ng suspek na saksakin. Agad din namang naaresto ang mga suspects matapos ang isinagawang krimen. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARESTADO

AYON

BAGONG SILANG

CABARDO

CALOOCAN CITY

JOHN MARK GREGORIO

LORDETH BONILLA

PROSPERO PALILEO

REYNALDO CABARDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with