^

Metro

Walang caravan sa Maynila sa pagdating ni Manny Pacquiao

-

Bagama’t walang caravan sa kanyang pagdating sa Maynila, pupunuin naman ng city government ng mga banner at streamers ang mga kalsada na posibleng dadaanan ng Filipino Boxing icon Manny “Pacman” Pacquiao pagdating nito sa bansa ngayon umaga.

Ito ang nabatid kahapon sa Media Information Bureau­ (MIB) ni Manila Mayor Alfredo Lim, bilang bahagi ng pagkilala ng Lungsod ng Maynila sa panibagong kara­ngalan ibinigay sa bansa ni Pacquiao, matapos nitong talunin si Mexican boxer Oscar “Golden Boy” De la Hoya.

Nalaman na inatasan ng alkalde ang City Engi­neering Office na lagyan ng mga banners ang mga kalsada na posibleng daanan ni Pacquiao, kabilang na ang kaha­baan ng Roxas Boulevard, Luneta, Taft Avenue, Quiapo, Plaza Miranda, hanggang sa España. Maliban sa mga ilalagay na banner sa mga pangunahing lansa­ngan sa Maynila,wala namang iba pang naka schedule na aktibidad sa pagdating ni Pacquiao.

Hindi rin umano magsasagawa ng courtesy visit si Pacquiao sa opisina ng alkalde na naging tradisyunal na ginagawa ng boksingero kapag umuwi sa bansa matapos manalo sa kanyang mga nakalaban noong pana­hon ng dating administrasyon ni dating Manila Mayor Lito Atienza. Kadalasan itong dumidiretso sa tang­gapan ni Atienza sa DENR. (Doris Franche)

CITY ENGI

DORIS FRANCHE

FILIPINO BOXING

GOLDEN BOY

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

MEDIA INFORMATION BUREAU

PACQUIAO

PLAZA MIRANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with