^

Metro

Misis ng Bombay patay sa ambush

-

Tinambangan at napatay ang isang 42-anyos na maybahay ng isang negosyanteng Indian national ng hindi nakilalang mga suspect habang sakay ng kanyang kotse sa Paco, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa pagamutan ang biktimang si Janet Singh, ng Palm Village, Makati City bunga ng ti­na­­­­mong apat na bala ng kalibre .45 baril. Mabilis na­mang tumakas ang mga suspect lulan ng isang motorsiklo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang ma­ ganap ang insidente sa panulukan ng United Nations Ave. at Tanque St. sa Paco. Sakay umano sa kulay itim na Honda CRV (ZAK 938) ang biktima nang lapitan ng mga suspect at pinagbabaril ito habang nasa loob ng sasakyan.

Nang makita ng kapatid na si Gerald Tabieros, na noo’y nagbabantay ng mini grocery ay nagtangkang sak­lolohan ang biktima subalit siya man ay pinaulanan ng putok na masuwerteng hindi naman tinamaan.

Binalikan pa umano ng putok ng mga suspects ang biktima upang tiyaking patay na bago tuluyang tumakas. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BINALIKAN

GERALD TABIEROS

JANET SINGH

LUDY BERMUDO

MABILIS

MAKATI CITY

PALM VILLAGE

SHY

TANQUE ST.

UNITED NATIONS AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with