^

Metro

Ginang dinukot daw ng parak

-

Isang negosyanteng ginang na asawa ng isang Pakistani national ang iniulat na dinukot ng isang pulis at kasa­ma­hang babae ng huli sa isang fast food chain kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Batay sa salaysay sa pulisya ni Chaudhny Kha­ran Aziz, 33, negos­yante, Pakistani national, resi­dente ng # 3 Sunvar Condominium, Luna St., Pasay City at mister ng biktimang si Elizabeth Macatangay, 31, una niyang inutusan ang ka­niyang misis na kunin ang P35,000 bilang ka­baya­ran sa pagkaka­utang ng isang May Jane alyas “MJ”

Dakong alas-7:00 ng gabi nang inihatid niya ang kanyang misis sa isang sangay ng Jollibee sa Roxas Boulevard, Pasay City para maki­pagkita kay “MJ” at ilang oras pa ang nakalipas ay umalis na umano ang una nang makitang ka­usap na ang sisingiling babae.

Mula naman noong maihatid ang biktima sa lugar, hindi na nakauwi pa ang kaniyang misis hang­gang sa isang nag­paki­lalang pulis ang ku­ma­usap sa mister ng biktima at humihingi ng ransom money kapalit ng ligtas na pagpapalaya sa ginang. (Rose Tamayo-Tesoro)

CHAUDHNY KHA

ELIZABETH MACATANGAY

ISANG

LUNA ST.

MAY JANE

PASAY CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

ROXAS BOULEVARD

SHY

SUNVAR CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with