^

Metro

Pulis dedo sa sekyu

-

Patay ang isang pulis maka­raang barilin ng isang sekyu matapos ang mainitang pagta­talo kamakalawa ng gabi sa isang bus terminal sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang bik­tima na si SPO2 Alberto Ta­mayo, nakatalaga sa Quezon City Police District-Anonas Police Station 9 habang pinag­hahanap naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Normal Balayo, security guard ng Starline Security Agency at nakatalaga sa Araneta Bus Terminal.

Isang tama ng bala sa ulo ang naging dahilan nang pag­kasawi ng biktimang parak.

 Base sa imbestigasyon ni PO3 Joseph Madrid, may hawak ng kaso, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang in­sidente sa tapat ng Ray­mond Transport Ticketing sa Araneta Center Cubao, Quezon City.

 Bibili sana ang biktima ng load sa kanyang cellphone sa loob ng Araneta bus terminal nang sitahin ni Balayo at ayaw papasukin sa naturang lugar.

Sa puntong ito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at ilang saglit pa ay basta na lamang binaril ni Balayo sa ulo ang pulis dahilan upang agad itong bumulagta.

Makaraan ang insidente, agad ibinigay ni Balayo ang kanyang fatal weapon na .38 kalibre na baril sa kabaro na si Reynaldo Molina at mabilis na lumabas ng terminal saka tumakas

 Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALBERTO TA

ARANETA BUS TERMINAL

ARANETA CENTER CUBAO

BALAYO

JOSEPH MADRID

POLICE STATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-ANONAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with