^

Metro

2 nursing student, patay sa aksidente

-

Namatay noon din ang dalawang nursing student nang sumalpok sa isang puno ang kanilang sinasakyan kahapon sa Quezon City.

Nakilala ang mga biktima na sina Giane Marc Fugrad , 24, ng B-2, Lot 3, East Fairview , Quezon City at si Richard Gaddi, 25, kapwa nursing student at residente ng Ipil St., Hillcrest village, Camarin Road Caloocan City

Batay sa isinumiteng ulat ng District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector-3 kay P/Supt. Norberto Babagay, naganap ang aksidente pasado alas-5:15 ng madaling-araw sa Ka­tipunan road harap ng Miriam College, Loyola heights, Quezon City           

Ayon sa ulat, sakay noon ng isang Honda Civic (WFY-915) ang mga biktima na mina­maneho ni Fugrad nang mawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa rumampa sa sidewalk at tuluyang bumangga sa malaking puno.

Halos mawarat na ang kotse dahil na rin sa lakas ng pagkakasalpok dahilan para maipit ang dalawang biktima.

Lumalabas na nakainom umano ang dala­ wang biktima na siyang maaring dahilan kung kaya’t nangyari ang insidente. (Angie dela Cruz)

CAMARIN ROAD CALOOCAN CITY

DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT TRAFFIC SECTOR

EAST FAIRVIEW

FUGRAD

GIANE MARC

HONDA CIVIC

IPIL ST.

MIRIAM COLLEGE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with