^

Metro

Ratratan sa Parañaque: 16 patay

- Nina Rose Tamayo-Tesoro At Joy Cantos -

Labing-anim katao ang kum­pirmadong patay sa na­ganap na madugong sagupaan o palitan ng putok sa pagitan ng “Waray-Waray Robbery Gang”, Ozamis Holdup and Robbery syndicate at ng Highway Patrol Group (HPG), mga miyembro ng National Capital Region Office (NCRPO) at Special Weapons and Tactics (SWAT) ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang magsi­mula ang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig sa West Service Road malapit sa United Parañaque Sub­d. 4 ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ni P/Insp. Glenn Tigson, hepe ng Station Investigation & Detective Ma­nagement Section, unang nag­karoon ng mahabang habulan sa subdivision dahilan upang ma­damay ang ilang mga sibilyan.

Sampung kalalakihan na pawang mga miyembro naman ng Waray-Waray at Ozamis group, isang pulis at limang sibilyan na kinabibilangan ng 7-anyos na bata ang agad na nasawi sa mahigit kalahating oras na sagupaan ng mga sus­pect at ng mga operatiba.

Lumalabas din sa pagsisiya­sat na ang sampung napatay na mga suspect ay pawang mga res­ponsable sa madugong ar­mored car robbery na naganap nitong nakalipas na buwan.

Ayon pa sa pulisya, maging ang estilo at kagamitan ng mga suspect ay halos kahalintulad ng mga unang ginamit sa UP Diliman Campus armoured van robbery, pagpasok sa ilang mga banko, malls at iba pang mga insidente ng panloloob.

Nabatid na bago ang na­ganap na enkwentro ay unang nakatanggap ang mga awto­ridad hinggil sa umano’y po­sibleng pag-atake muli ng na­sabing mga grupo sa Southern Transport bus company sa nabanggit na lungsod.

Naagapan naman ang po­sibleng pag-atake ng mga hol­daper subalit nauwi ito sa ma­dugong enkwentro. 

Sa paunang ulat, dalawa naman sa mga nasawing si­bilyan ay kinabibilangan ng mag-amang sina Alfonso de Vera, 53, ang anak nitong si Alyanna, 7, ang nadamay at napatay makaraang unang napagkamalan umanong gamit bilang get-away vehicle ng mga suspect ang kanilang sinasak­yang Isuzu Crosswind na may plakang XEW-327.

Napatay din sa engkwentro ang pulis na kinilalang si PO1 Nixon Benasoy nakatalaga sa Special Action Force (SAF) at isang truck helper.

Sa panig ng mga suspect, kinilala ang mga napatay na sus­pects na sina Ronel Cam­pos na sinasabing dating miyem­bro ng Special Action Force (SAF) ng PNP, Avelino Abayo, Rey Olarte, Ricarte Chavez, Baltazar Decuria Jr., Camilo Pastrana, Dennis Bassig, Danilo Tranca at dalawang hindi pa kilalang mga kasamahan ng mga ito.

Kritikal naman sa paga­mutan habang isinusulat ang balitang ito kahapon ng umaga si HPG Special Operations Division team leader P/SSupt. Eleuterio Gutierrez Jr. makara­ang masapol ito ng bala sa ulo   mula sa mga suspect.

Kabilang din sa mga nasu­gatan ang isang barangay tanod, isang security guard na pawang tinamaan ng mga ligaw na bala habang nagaganap ang enkwentro.

Sa panayam naman ng PSN/PM kay NCRPO chief Dir. Leopoldo Bataoil na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang pagtugis ng pulisya sa mga nakatakas na suspect lulan ng kinumander nilang get-away vehicle na isang kulay itim na Toyota Vios Sedan na may plakang XTG-256.

Ayon pa kay Bataoil, hindi umano naiwasang madamay ang ilang sibilyan sa naganap na insidente lalo pa’t lahat umano ng mga nakasalubong ng mga suspect nang mangyari ang enkwentro ay kanilang pinagbabaril pati na ang mga flammable tanks na kanilang nadaanan.

Sa kabila nito, nangako naman si Bataoil na isang ma­susing imbestigasyon ang isa­sagawa ng pulisya upang ala­min kung may dapat ngang ma­nagot sa mga operatiba sa pag­kakadamay ng mga sibilyan.

Narekober naman sa mga nasawing suspect ang mga high-powered firearms na kinabi­bilangan ng mga M-203 grenade launcher, M-16 rifles, mga cal-.45 pistols, mga bullet-proof vest at suot nilang mga uniporme ng (SWAT).

AVELINO ABAYO

AYON

BALTAZAR DECURIA JR.

BATAOIL

CAMILO PASTRANA

SHY

SPECIAL ACTION FORCE

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with