^

Metro

Binata binurdahan ng saksak, todas

-

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC) ang isang 29-anyos na binata nang pagtulungang saksakin ng isang grupo ng kalalakihan na kanyang nakaalitan, kamakalawa ng gabi, sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Frederick Caingin Jr., ng V. Mapa, Sta. Mesa, Maynila. Itinuturong mga suspek sina Raymond Uy, 28; Ricardo Chua, 24; isang alyas “Joel Baho” at isang alyas “Jon-Jon Nano”.

Sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa sa Legarda St., Sampaloc, Maynila.

Una umanong nakitang nagtatalo ang biktima at grupo ng mga suspek at makalipas ang ilang minuto ay nakita na lamang na sinusundan ng mga suspek ang biktima sa kanyang paglalakad. Ilang sandali pa ay pinagtulungan na itong saksakin ng grupo bago iniwang nakabulagta.

Hindi umano mabilang na saksak sa katawan ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan nito na nagresulta ng kanyang kamatayan. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para sa ikadarakip ng mga suspek. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

FREDERICK CAINGIN JR.

ILANG

JOEL BAHO

JON-JON NANO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LEGARDA ST.

LUDY BERMUDO

MAYNILA

RAYMOND UY

RICARDO CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with