^

Metro

3 nanloob, pumaslang sa mag-ina, timbog

- Angie dela Cruz, -

Tatlo sa apat na suspect na nanloob at halinhinang guma­hasa at pumatay sa 37-anyos na ginang at sa walong-taong gulang nitong anak ang na­aresto ng pulisya matapos na bumalik ang mga ito sa lugar ng krimen sa Parañaque City ka­hapon ng madaling-araw.

Unang nadakip ng pulisya ang 58-anyos na construction worker na si Benedicto Gordo, ng Malabon City nang mamata­ang umaaligid sa bahay ng mga biktimang sina Milagros Gar­du­ que at anak na si Yuichi dakong alas-12 ng madaling- araw.

Ikinaila pa ni Gordo ang partisipasyon sa krimen subalit nang isailalim na sa masusing interogasyon ng mga tauhan ni Senior Supt. Alfredo Valdez, hepe ng Parañaque City police, itinuro na niya ang mga ka­samang nagkumpuni sa bahay ng mga biktima na sina Jovanee Escosa, 21, ng Manila; Rey­naldo Sinderijas, 37, na kasama niya sa krimen. Isa pa na kinila­lang si Eddie Montero ang ka­sa­lukuyan pang hinahanting   ng pulisya.

Si Escosa ay nadakip sa Filinvest, Quezon City habang si Sinderijas ay nadakip sa isang lugar sa Tondo. Nabigo naman ang pulisya na madakip si Montero na malapit na ka­anak ni Gordo nang puntahan siya sa tinitirahang bahay sa Arellano St., Malabon City.

Nang iprisinta na ni Valdez sa tanggapan ni National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) chief Deputy Director Leopoldo Bataoil, inamin na ng mga suspect ang krimen at isinalaysay pa ang halinhinang panghahalay sa ginang na noon ay agaw-buhay na matapos bigtihin ni Sinderijas na luma­labas na pinsan pa ng biktima.

Sinabi ni Escosa na si Gordo umano ang unang hu­malay sa biktima at siya ring nanakit at bumigti sa batang si Yuichi nang magsisigaw sa takot ang bata.

Napag-alaman sa sinumpa­ang salaysay ni Garduque na ang mga suspect ay pawang mga nagkumpuni sa bahay ng mag-ina noong nakaraang linggo at dito nabuo ang plano ng mga ito  na looban ang mag-ina nang makita ang mama­haling alahas sa silid ng ginang.

Nabawi naman sa mga suspect ang mahigit P21,000 cash at iba’t ibang uri ng ma­mahaling alahas, kabilang ang isang rolex watch, na tinatayang aabot sa mahigit kalahating milyong piso.

Sinabi ni Valdez na posib­leng hawak pa ng nakalalayang si Montero ang kanyang naging parte sa panloloob na kanila pang babawiin sa oras na ma­huli na ito.

ALFREDO VALDEZ

ARELLANO ST.

BENEDICTO GORDO

DEPUTY DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

GORDO

MALABON CITY

SHY

SINDERIJAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with