^

Metro

Pasahe sa tricycle pinabubusisi

-

Tinagubilinan ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) ng QC hall at ang QC Franchising Board na pinamumunuan ni QC Councilor Allan Francisco na upuan ang posibleng pag-rolback sa pasahe sa mga tricycle na bumibiyahe sa Quezon City.

Ang hakbang ay tugon ni Belmonte sa panawagan ng DILG na maibaba na ang pasahe sa mga tricycle dahil bumaba na ang presyo ng diesel at gasolina. Ito ang naging dahilan kung bakit bababa na rin ang pasahe sa jeep, bus at taxi epektibo December 15.

Ang TRU at ang tanggapan ni Francisco ay pa­tuloy sa pag-uusap upang madesisyunan kung nara­rapat na ring maibaba ang pasahe sa tricycle.

Noong Hulyo ng taong ito, ginawang P15 ang minimum na pasahe sa tricycle nang sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. May 47 TODA   sa Quezon City. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BELMONTE

COUNCILOR ALLAN FRANCISCO

CRUZ

FRANCHISING BOARD

NOONG HULYO

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

TRICYCLE REGULATORY UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with