^

Metro

Taxi de-resibo na, simula Enero

-

Simula sa   Enero ng susunod na taon, mag iisyu na ng resibo ang lahat ng taxi units para sa kanilang mga pasahero sa buong bansa.

Ayon kay Land Transportation Franchising Re­gulatory Board (LTFRB) Chairman Thomp­son Lantion, ang paglalagay ng makina ng mga taxi operators para sa issuance ng resibo ay gagawin ng mga ito oras na magpaselyo ng kanilang metro.

Ang proyektong ito anya ng ahensya ka­sama ang Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ay layu­ning ma­itama ang buwis na naibabayad sa pamahalaan ng mga taxi operators sa buong bansa.

Sa pamamagitan anya ng mga naisyung resibo sa mga pasahero, madali nang mala­laman kung magkanong halaga ng buwis ang dapat ipapataw sa mga taxi operators.

Nilinaw naman ni Lantion na wala naman anyang dagdag na bayarin sa taxi kahit na gamit na nito ang receipt machine.

Hinikayat din nito ang mga taxi riders na kailagang humingi ng resibo sa driver ng taxi upang makatulong sa pagkolekta ng buwis ang pamahalaan.

Tanging mga authorize lamang ng BIR at DTI ang mga kompanyang maaaring ma­gamit na makina na ikakabit sa issuance ng resibo. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHAIRMAN THOMP

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING RE

LANTION

SHY

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with