^

Metro

Mag-ina kinatay ng 'Gapos Gang'

- Rose Tamayo-Tesoro -

Patay ang mag-ina maka­ra­ang looban at pagsasak­sakin ng mga hinihinalang miyembro ng “Gapos Gang”, kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Batay sa ulat ng pulisya, pasado ala-1 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ni Milagros Gar­duque at anak nito na si Yuichi, 8-an­yos sa loob ng kanilang bahay sa Road 9, United Parañaque Subd., Isidro Village ng na­banggit na lungsod.

Ang ginang ay natagpuan sa loob ng stockroom sa unang palapag ng kanilang bahay na may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan, nakagapos ang mga kamay at nakabigti ang leeg gamit ang isang tela.

Ang anak naman nito ay na­­tagpuang may tali ng pulang kurdon ng electric fan sa leeg, may mga sugat sa mukha na palatandaan na pinalo ng matigas na bagay, habang nakagapos din ang mga kamay na nakasubsob sa kanyang kama sa ika­lawang palapag ng kanilang bahay.

Nabatid na bago nadis­kubre ang bangkay ng mag-ina, unang nagpadala ng mga text messages at tawag sa ginang ang kinakasama nitong si PO3 Glen Adon­gua­rin hanggang sa mag-alala ang huli nang hindi sina­sa­got ng una ang mga men­sahe at tawag nito.

Dahil sa labis na pag-alala, agad na tinawagan ni PO3 Adonguarin ang kan­yang pinsan na si PO1 Kim Ta­ganas na nakatalaga sa Las Piñas City Police Station.

Ang dalawa ay agad na­mang nakipag-ugnayan sa Police Community Precinct 4 ng Parañaque Police at agad nilang pinuntahan ang bahay ng mga biktima.

Nang katukin ang pintuan at walang sumasagot sa loob ng bahay ay napilitan na ang mga imbestigador na pasu­kin ang tahanan ng mag-ina at dito natuklasan ang ka­lunus-lunos na sinapit ng mga huli.

Batay naman sa isina­gawang pagsisiyasat ni PO2 Johnny Margate, may hawak ng kaso, pagnanakaw ang motibo sa naganap na pama­maslang sa mga biktima dahil magulo ang buong ka­pali­giran at hinalungkat ang mga ka­binet at nawa­wala rin ang maha­halagang kagami­tan at salapi sa loob ng bahay.

May posibilidad din na pinatay ang mag-ina upang ma­ikubli ang mapagkakaki­lanlan ng mga suspect.

Samantala, habang isi­nusulat ang balitang ito, ka­hapon ng umaga ay patuloy pa ring pinaghahanap ang ka­sambahay na lalaki ng mga bik­tima na hindi muna pina­pangalanan upang ala­min kung may kinalaman ito sa nasabing krimen.

BATAY

CITY POLICE STATION

GAPOS GANG

GLEN ADON

ISIDRO VILLAGE

JOHNNY MARGATE

KIM TA

LAS PI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with