^

Metro

Miyembro ng 'Bonnet Gang', itinumba ng kasamahan

-

Isang pinaniniwalaang miyembro ng “Bonnet gang” ang pinag­ba­baril hanggang sa mapatay ng   hinihinalang kanyang kasama­han habang tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang batang lalaki matapos umanong magka-onsehan sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Reynaldo Copino, 31 ng   M. Delos Reyes St., General T. De Leon ng lungsod na ito. Gina­gamot naman sa nasabing ospital si Renz John Guinto, 12, ng San Gregorio st., General T. De Leon.

Sa report ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi, papasakay ang biktima sa kanyang motorsiklo sa kahabaan San Gregorio St., ng nabanggit na lugar nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin ito kung saan nahagip naman ng ligaw na bala si Guinto. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa naturang pagamutan gayunman hindi na nailigtas pa si Copino. Nabatid na ang nasawi ay isa sa mga suspek sa panghoholdap sa isang ahente ng sigarilyo noong nakalipas na Oktubre 2008 sa nasabing lungsod.

 Onsehan sa partehan ang isa sa mga tinitingnan anggulo ng pulisya sa nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DE LEON

DELOS REYES ST.

GENERAL T

LORDETH BONILLA

RENZ JOHN GUINTO

REYNALDO COPINO

SAN GREGORIO

SAN GREGORIO ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with