^

Metro

P44 tapyas sa presyo ng LPG

-

Makaraang magpatupad ng P1 rollback sa kada kilo ng ka­nilang produkto ang LPG Mar­keters Association, nag­tap­yas naman ng P4 piso sa kada kilo o P44 bawat tangke ng liquefied petroleum gas ang Shell at Petron.

Ini-anunsiyo ng dalawang dambuhalang kompanya ng langis sa bansa ang pagbaba­was sa presyo ng kanilang LPG sa harap mismo ni De­partment of Energy (DOE) Sec­­retary Angelo Reyes habang isinasa­gawa ang pagtalakay kung mag­kano pa ang dapat na ibawas ng mga kompanya sa kanilang mga produktong petrolyo.

Sa kabila ng naturang rollback, sinabi ng kalihim na kulang pa ng P3 piso ang ka­buuang ibinabawas ng mga kompanya dahil lumalabas sa kanilang pagtaya na dapat ay P15 na ang ibinawas sa bawat kilo ng LPG mula noong buwan ng Nobyembre.

Sa kasalukuyan ay uma­abot pa lamang sa P12 ang kabuuang ibinabawas ng mga dambuhalang kompanya ng langis sa bansa sa presyo ng kanilang ibinebentang LPG.

Sinabi naman ni Virginia Ruivivar, public affairs ma­nager ng Petron na hindi ka­agad sila makapagbaba ng presyo ng LPG dahil ibina­batay pa nila ito sa isinasa­gawa nilang imbentaryo ng isa’t kalahati hanggang dala­wang buwan.

Gayunman, makakaasa aniya ang publiko na magka­karoon pang muli ng P3 piso kada kilong rollback ang ka­nilang ibinebentang LPG nga­yong buwan ng Disyembre. (Lordeth Bonilla at Angie dela Cruz)

ANGELO REYES

ANGIE

CRUZ

DISYEMBRE

GAYUNMAN

INI

LORDETH BONILLA

PETRON

SHY

VIRGINIA RUIVIVAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with