Pamilihan tinutukan

Tahimik man sa Maynila sa mabibigat na krimen, pa­tuloy ang pagbabantay ng mga tauhan ng Manila Police District sa lunsod.

Sinabi kahapon ni MPD Director Chief Supt. Roberto Ro­sales na tinututukan nga­yon ng kaniyang mga tauhan ang kalakasan o dagsa ng tao sa mga pamilihan upang ma­bantayan ang publiko laban sa talamak na petty crimes.

Dinoble pa ni Rosales ang mga itinalagang tauhan na magmamanman sa sitwasyon ng mga matataong lugar sa lungsod tulad ng Divisoria, Carriedo, Quezon Avenue, Rizal Avenue, Blumentritt, Ongpin at ilang malls.

Binabantayan din ang palengke at erya ng Tondo at Binondo laban sa nakaka­alarmang pamimitas ng hikaw ng mga kawatan na lantarang ginagawa ng mga snatchers na nagpapanggap na pedi­cab drivers. (Ludy Bermudo)

 

Show comments