^

Metro

Jail officer kinasuhan ng estafa

-

Kinasuhan ng “estafa” ng isang negosyante sa Om­buds­man ang isang mataas na opis­yal ng Bureau of Jail Manage­ment and Penology makaraang hindi umano mag­bayad ng malaking halaga ng salapi.

Sa dokumentong ipinara­ting sa Department of Interior and Local Government Press Corps, inireklamo ni Hernani Hollero, ng Project 6, Quezon City si dating Quezon City Jail warden Supt. Teofilo Labating Jr. dahil sa hindi pagbabayad ng kabuuang halagang P280,000.

Sa salaysay ni Hollero, nagsu-suplay siya ng inuming tubig sa QC Jail kaya niya nakilala si Labating. Unang umutang sa kanya ang opis­yal ng P800,000 kung saan agad naman nitong binayaran ang halagang P600,000.

Nagbigay naman ng “pro­missory note” si Labating na magbabayad ng natitirang utang na P200,000 at interes na P80,000 bago matapos ang Agosto 16 ng kasaluku­yang taon.

Subalit hindi umano na­tupad ang pangako at mis­tulang nagtatago na umano si Labating nang hindi na ma­kipag-usap sa kanya maging sa telepono. (Danilo Garcia)

AGOSTO

BUREAU OF JAIL MANAGE

DANILO GARCIA

HERNANI HOLLERO

HOLLERO

LABATING

QUEZON CITY

QUEZON CITY JAIL

SHY

TEOFILO LABATING JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with