^

Metro

Bangkay tinangkang sunugin

-

Tinangkang sunugin ng hindi pa naki­kilalang suspek ang bangkay ng 27-anyos na binatang si Joel Ivan de Guzman, makara­ang patayin niya o nila ito sa tinutuluyang yunit nito sa Somerset Condominium sa Leveriza, Pasay City kahapon ng tanghali.

Natuklasan ang pagkakapaslang kay de Guzman makaraang maapula ang apoy na tumupok sa kanyang condominium unit.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives, nagtamo ng apat na sugat dahil sa palo ng ma­tigas na bagay sa ulo at noo si de Guzman na anak ng isang dating opisyal ng Manila Police District.

Bago nangyari ang sunog, naging bisita ng biktima ang isang Eric Dacutan na nagpaki­lalang empleyado ng Sykes Company at residente ng Pasig City dakong alas-10:18 ng umaga.

Sinabi sa pulisya ni Richie Prudente,   guwar­diya sa lobby ng condominium sa pu­lisya, na umalis si Dacutan batay sa itinala niya sa kanilang record book dakong alas-12:40 ng hapon, ilang minuto bago nangyari ang sunog.

Hinahanap na ngayon ng pulisya si Dacutan kaugnay ng krimen. (Lordeth Bonilla)

DACUTAN

ERIC DACUTAN

GUZMAN

JOEL IVAN

LORDETH BONILLA

MANILA POLICE DISTRICT

PASAY CITY

PASIG CITY

RICHIE PRUDENTE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with