Inihain na kamakailan sa konseho ang panukalang ordinansa para sa P8.8 bilyon budget ng pamahalaang-lunsod ng Quezon City para sa taong 2009.
Ang panukalang ordinansa na isinusulong nina Councilors Aiko Melendez, Ariel Inton at Victor Ferrer Jr. ay naglalaman ng iba’t ibang gastusin para sa operasyon ng pamahalaang-lunsod sa susunod na taon.
Malaking bahagi ng panukalang badyet ay nakalaan sa serbisyong pangkalusugan, serbisyong panlipunan, imprastruktura, pangkapaligiran, edukasyon, kapakanan ng kabataan, pangkapayapaan at seguridad at pagpapalakas sa barangay at komunidad.
Ang panukala ay nakaakma sa patakaran ni Mayor Feliciano Belmonte sa pagpapaunlad sa lunsod.