^

Metro

Kinursunada, grinipuhan

-

Isang 36-anyos na kawani ng isang fast food chain ang nasawi at patay din ang isa sa tat­long lalaking nangur­sunada dito matapos maki­pagpambuno ang biktima sa mga suspek kahapon sa Paranaque City.

Nakapagbigay pa ng kanyang post mortem statement sa mga nurse ng Parañaque Doctors Hospital ang biktimang si Willie Jardo Ruaza, resi­dente ng NCM Ka­liwa, Brgy Doña Sole­dad Ext., sa naturang lungsod nang maisalay­say ang nangyaring insi­dente bago tuluyang malagutan ng hininga sanhi ng ilang saksak sa ibat-ibang ba­hagi ng katawan buhat sa isang patalim.

Sa nasabing paga­mutan din isinugod ang isa sa tatlong suspek na hindi pa rin nakikilala ma­­karaang magtamo na­man ng tama ng sak­sak ng balisong sa likod na naging sanhi rin ng kan­yang kamatayan.

Batay sa imbestigas­yon ni PO3 Johnny Mar­gate ng Investigation and Detective Management Unit ng Paraña­que police, nagtungo sa panu­lukan ng Doña Soledad Avenue at Don Bosco si Ruaza dakong alas-12 ng madaling araw upang abangan ang pagdating ng kan­yang asawa na may panggabing tra­baho.

 Habang nakatayo sa naturang lugar, napa­ti­ngin si Ruaza sa du­ma­rating na tatlong ka­la­la­kihan na pawang mga lasing. Minasama umano ng tatlo ang pagtingin sa kanila ni Ruaza kaya sinita nila ang biktima hanggang sa humantong sa pag­kakaroon nila ng ma­initang argumento.

Pinagtulungan na umanong gulpihin ng tatlo ang biktima ha­bang ang isa’y bumunot pa ng patalim subalit naagaw ito ni Ruaza at ginamit sa pananaksak sa isa sa mga suspect na nahagip sa likurang bahagi ng katawan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY DO

DOCTORS HOSPITAL

DON BOSCO

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT UNIT

JOHNNY MAR

LORDETH BONILLA

PARANAQUE CITY

RUAZA

SHY

SOLEDAD AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with