^

Metro

Dalaga kulong sa utang na chit

-

Isang 25-anyos na da­laga ang arestado mata­pos na hindi umano nito nabayaran ang ininom na alak sa isang bar sa Ma­labon City kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong estafa si Cynthia Villarta, taga-Brgy. Tañong ng na­banggit na lungsod mata­pos na hindi nito mabaya­ran ang halagang P245 na nainom nito.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-12:10 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng But­soy Eatery na matatag­puan sa F. Sevilla Blvd., Brgy. Tañong.

Nang sinisingil na si Villarta sa kanyang nainom na halagang P245, ikinat­wiran niyang dala ng kan­yang kaibigan ang kan­yang pitaka at magalang na nakiusap ito na hanapin upang mabayaran.

Pinagbigyan naman ang dalaga at sinamahan pa ito subalit hindi nito na­kita ang sinasabing kaibi­gan na naging dahilan upang dalhin na lamang ito sa presinto at ireklamo ng estafa. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

CYNTHIA VILLARTA

LORDETH BONILLA

NAHAHARAP

NANG

NITO

PINAGBIGYAN

SEVILLA BLVD

SHY

VILLARTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with