^

Metro

Navy man patay, 1 sugatan sa rambulan sa videoke bar

-

Napatay ang isang miyembro ng Philip­pine Navy samantalang sugatan ang kasama nito matapos silang barilin ng isang opisyal ng Philippine Coast Guard sa naganap na rambulan sa loob ng isang videoke bar kahapon ng ma­daling-araw sa Binondo Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa dibdib ang bikti­mang si SIRM Arnel Villacillo, may-asawa, nakatalaga sa Task Force Sea Marshal, NCP Parola Compound, Binondo.

Sugatan naman si PO3 Glenard Men­doza, 30, binata, miembro ng PN at naka­talaga sa TFSM sanhi ng tama ng bala sa balikat. Ginagamot naman sa Ospital ng Maynila ang suspek na si 1st Lt Euphraim Jayson Diciano, 27, ng 156 Catanggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan dahil sa tinamong bugbog sa katawan.

Patuloy namang niimbestigahan ng Manila Police District-homicide section, sina Seaman 1st Class Jayson Este­ban,29, ng Libis St., Guyong, Sta. Maria Bulacan; Seaman 1st Class Ronald Villuan, 28, ng #14 Lapug Roaπd, Tangui San Fernando City La Union at Mendoza, pawang mga miyembro ng PN at naka­talaga sa TSFM.

Nag-iinuman sina Villuan, Mendoza at Esteban sa isang videoke bar sa Binondo. Nauna umanong umalis si Agaran subalit dumating naman ang biktima at sumama sa inuman ng dalawang kasamahan nito.

Makalipas ang ilang minuto, dumating naman ang suspek kung saan mag-isang uminom sa isang lamesa sa kaliwang bahagi ng lamesa ng grupo ng biktima

Sa hindi binanggit na dahilan ay luma­bas ang suspek subalit muling bumalik ito na may hawak nang kalibre 40 pistol at nag­­hamon sa loob ng videoke bar at nag­sabing “Anong problema?” Napikon umano ang group ng biktima at pinagtu­lungang bug­­bugin si Diciano. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ARNEL VILLACILLO

BINONDO

CATANGGAMAN NUEVO

CLASS JAYSON ESTE

CLASS RONALD VILLUAN

EUPHRAIM JAYSON DICIANO

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

GEMMA AMARGO-GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with