Taxi driver lumaban sa holdaper, todas

Isang taxi driver ang tinadtad ng saksak hang­gang mapatay ng tatlong hindi nakikilalang holdaper matapos manlaban ang biktima sa mga suspek sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nasawi noon din ang bik­ timang si Robert Men­doza, 42, ng Blk. 8, Villa­rica Pantabangan, Nueva Ecija.

Isang follow-up opera­tion ang isinasagawa nga­yon ng Caloocan City Po­lice laban sa mga suspek.

Sa imbestigasyon nina PO2 Albert Juanillo at PO1 Felipe Woo, kapwa may ha­wak ng kaso, ang insi­dente ay naganap dakong alas-4:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Ta­nigue Street, Brgy. 14, Dagat-Dagatan ng nasa­bing lungsod.

Ilang residente sa natu­rang lugar ang nakapansin sa biktima na lumabas sa kanyang minamanehong taxi kasama ng tatlong di-nakilalang suspek na nag­tatatakbo patungong sa Block 6, Brgy. 14.

Patay na ang biktima nang matagpuan ng mga ele­mento ng NPD-SOCO sa ka­tawan ng biktima ang P3,420 na pinani­niwala­ang kinita nito sa mag­da­mag na pamama­sada, mga per­sonal na gamit tulad ng isang sing­sing at cellphone. (Lordeth Bonilla)

Show comments