Taxi driver lumaban sa holdaper, todas
Isang taxi driver ang tinadtad ng saksak hanggang mapatay ng tatlong hindi nakikilalang holdaper matapos manlaban ang biktima sa mga suspek sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Nasawi noon din ang bik timang si Robert Mendoza, 42, ng Blk. 8, Villarica Pantabangan, Nueva Ecija.
Isang follow-up operation ang isinasagawa ngayon ng Caloocan City Police laban sa mga suspek.
Sa imbestigasyon nina PO2 Albert Juanillo at PO1 Felipe Woo, kapwa may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Tanigue Street, Brgy. 14, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.
Ilang residente sa naturang lugar ang nakapansin sa biktima na lumabas sa kanyang minamanehong taxi kasama ng tatlong di-nakilalang suspek na nagtatatakbo patungong sa Block 6, Brgy. 14.
Patay na ang biktima nang matagpuan ng mga elemento ng NPD-SOCO sa katawan ng biktima ang P3,420 na pinaniniwalaang kinita nito sa magdamag na pamamasada, mga personal na gamit tulad ng isang singsing at cellphone. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending