^

Metro

Misis may relasyon sa sariling anak?

- Angie dela Cruz, -

Pinatay muna sa saksak ng isang mister ang kanyang misis bago niya sinaksak ang kanyang sarili ma­tapos mawala ang kan­yang katinuan dahil pinaghihinalaan niya na ang kanilang bun­song anak at ang bik­tima ay may relasyon kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela City General Hospital ang biktimang si Ade­lina dela Cruz, 58-anyos, sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kasalukuyan na­mang inoobserba­han sa East Avenue Medical Center ang suspek na si Rodolfo dela Cruz, Sr., 63-anyos, ng #171 Marcelo St., Brgy. Ma­landay ng na­banggit na lung­sod matapos nitong saksa­kin ang kanyang ta­giliran.

Sa pahayag nina Leah Legacion at Michael dela Cruz, mga kaanak ng sus­pek, dakong alas-11 ng gabi nang marinig nila ang malakas na sigaw ni Adelina sa loob ng bahay nito.

Mabilis na tinungo nila ang tahanan ng biktima at pagsilip nila ay nakahandusay na ang kanilang Ate Ade­lina at puro dugo ang katawan.

Ayon kay PO1 Wennie Ann Cale, im­bestigador ng Wo­men’s and Children’s Concerned Desk ng Valen­zuela Police, ma­tapos na matiyak ni Rodolfo na wala nang buhay ang asawa ay nag-harakiri naman ito na sinaksak ang kan­yang tagiliran.

Nabatid pa kay PO1 Cale, nawala ang ka­tinuan sa pag-iisip ng suspek dahil nag­hinala ito na may re­lasyon ang bunso nilang anak na si Allan at ang kan­yang asawa.

vuukle comment

ATE ADE

CONCERNED DESK

CRUZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LEAH LEGACION

MARCELO ST.

RODOLFO

SHY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with